Humiling ng pulong ang Teachers Dignity Coalition o TDC sa Department of Education (DepEd) para idulog ang problema ng kanilang hanay.
Ito ay sa harap ng school opening ngayong araw.
Ayon sa TDC, may mga usapin na napagkasunduan na noong nakaraang taon pero nakabitin naman ang implementasyon.
Kabilang na rito ang health benefits ng mga guro, pagpapatupad ng 6 hours work day, pagkuha ng non-teaching personnel para sa clerical task, pagbabawal ng pagkakaroon ng klase o meeting tuwing Sabado at pagpapatigil ng daily lesson log at detail lesson plan.
Umaaasa rin ang grupo na masuportahan sila ng DepEd na maipatupad ang dagdag sahod sa mga guro.
Facebook Comments