Nagpahayag ng panawagan ang ilan sa mga concerned Kabataang Dagupenos para sa mga nais kumandidato na mga Barangay at SK Councils sa Dagupan City bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Una nang binanggit ng mga ito ang qualifications, hindi lamang ang itinakdang qualifications tulad ng pagiging mamamayan ng bansa, residente ng barangay na hindi bababa sa isang taon bago ang araw ng halalan, 18 taong gulang ngunit hindi hihigit sa 24 taong gulang sa araw ng halalan, marunong bumasa at sumulat ng Ingles, Filipino at lokal na dayalekto at iba.
Binigyang diin din ang dapat na taglaying kwalipikasyon tulad ng pagiging maalam sa Local Government Code, dapat marunong sumulat ng resolutions, may alam sa powers of the state, basics of the Revised Penal Code at Philippine Constitution.
Dagdag pa ng mga ito na hindi dapat sa pasikatan umano matutukoy kung nararapat ba ang mga ito mahalal bilang tagapamuno ng Sangguniang Kabataan Council sa kani-kanilang barangay. Dapat nasusukat ito sa kredibilidad, reliability o kung maaasahan, at maalam sa mga pangunahing gawain ng isang totoong lider.
Ayaw na rin umano nilang maranasan uli na tila na wala umanong nagawa ang dating naging SK Council sa kanilang barangay at tanging iisa lamang umano ang nakinabang.
Samantala, sinambit din ng mga ito na umaasa pa rin silang mayroong matinong mamumuno sa mga kabataan patungo sa ikauunlad ng kanilang barangay, sa pagsasakatuparan ng mga iimplementang proyekto at plataporma kung mahalal na ang mga ito.
Samantala, umpisa na kahapon araw ng Lunes, August 28 ang paghain ng certificate of candidacy ng mga SK at Barangay Council Aspirants sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments