Tatlong taon makalipas ang deklarasyon ng Duterte administration ang pagpapalaya sa Marawi City, ipinahayag ng mga conflict watchdog na walang actual liberation na naganap.
Ikinalungkot ng International Alert Philippines ang makupad na rebuilding efforts sa Marawi City at ang kakaunting pondong inilalabas para sa reconstruction activities doon.
Sa monitoring ng grupong Alert, sa nakalipas na tatlong taon, nasa ₱22.2 billion lang ang naipalabas na pondo ng gobyerno para sa reconstruction efforts.
Ito’y mula sa ₱60.5 billion na dapat ay nagamit.
Ayon naman sa Marawi Reconstruction Conflict Watch, bagama’t nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang karamihan sa mga displaced residents, wala pa ring kumpensasyon sa mga may nawasak na ari-arian.
Libo-libo pa rin ang nanatili sa mga evacuation shelters na hindi maganda ang kondisyon.
Dahil dito, duda ang mga watchdog na matutupad ang pangako ni Task Force Bangon Marawi Chief Secretary Eduardo del Rosario na makamit ang 90% completion ng mga infrastructure projects sa Marawi City pagsapit ng December 2021.