Mga construction equipment sa Northern Samar, sinunog ng NPA

142

Ilang construction equipment ang sinunog umano ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Northern Samar.

Ayon kay Captain Reynaldo Aragones, Tagapagsalita ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, ang mga sinunog na mga construction equipment ay pagmamay-ari ng MDU Construction na gumagawa ng kalsada sa Barangay Quirino at San Francisco sa Las Navas Northern Samar.


Sa report, tumanggi ang may-ari ng kompanya sa pangingikil ng mga rebelde kaya’t sinunog ang kaniyang mga gamit.

Target sanang makumpleto ang road construction project sa buwan ng Disyembre ngayong taon, ito ay magkokonekta sa Northern at Eastern Samar provinces sa Eastern Visayas.

Sa ngayon, mahigpit ang pagbabantay ng militar sa lugar para hindi makaubra pa ang mga NPA.

Facebook Comments