Ilang heavy equipment ang sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng communist terrorist group sa Purok Pag-asa, Sitio Dalia, Barangay Edwards, T’boli, South Cotabato.
Ayon kay Major General Diosdado Carreon, Joint Task Force Central Commander, ang mga sinunog na heavy equipment ay isang backhoe, isang felo loader at isang dump truck.
Ito aniya ay pagmamay-ari ng Gemma Construction Company sa T’boli South Cotabato.
Sa ngayon, nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga sundalo para mapanagot ang mga responsable sa panununog.
Sinabi naman ni Lieutenant General Cirilito Sobejana, Western Mindanao Command Commander, na magpapatuloy sila sa kanilang mga operasyon para mapanatili ang kapayapaan sa kanilang Area of Responsibility.
Tiniyak ng opisyal na mas paiigtingin nila ang military at intelligence operation para mapigilan ang mga panggugulo ng komunistang terorista.