Mga construction workers dapat magbago para hindi matawag na tamad ayon sa palasyo

Pinayuhan ng palasyo ng Malacañang ang mga Filipino construction workers na magsipag upang maiwasan na matawag na tamad at mabagal ng mga developers.

 

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng naging pahayag ni Special envoy to China Ramon Tulfo na tamad, maingay at mabagal ang mga Filipino construction workers na ayon sa Malacanang ay paghahayag lang ng opinyon ng ilang nakausap na developers ni Tulfo.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel At Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, dapat ay maging wakeup call na ito sa mga construction workers at iwasang maging tamad sa trabaho upang hindi maging negatibo ang pagtingin ng mga developers sa mga ito.


 

Paliwanag ni Panelo, kahit anong training ang ibigay ng pamahalaan sa mga ito kung likas talagang tamad ay wala nang magagawa ang gobyerno kung hindi mag sisipag ang mga construction workers.

 

Sa kabila nito ay binigyang diin din ni Panelo na sa kabuuan ay maganda ang imahe ng mga Filipino workers na nagtatrabaho sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo.

Facebook Comments