MGA CONSUMER, MAS PINIPILING BUMILI NGAYON NG FROZEN GOODS BILANG ALTERNATIBONG PAMALIT SA TUMATAAS NA PRESYO NG BABOY

Isa ka rin ba sa gustong gustong kumain ng karne pero namamahalan ka sa presyo?
Mas pinipili ngayon ng mga consumer ang bumili ng ng frozen goods bilang alternatibong pamalit sa tumataas na presyo ng baboy na kinumpirma naman ng mga ilang tindera ng frozen goods dito sa Malimgas Market.
Medyo malakas ngayon ang kanilang bentahan dahil sa tumataas na presyo ng baboy, sa kanila nagpupunta ang mga mamimili kung saan ang presyuhan nila ay naguumpisa sa 45php hanggang 200php pataas depende sa klase ng frozen goods.

Ayon kay Ate Kris na isa sa nagbebenta ng frozen goods, malakas ang bentahan nila tuwing alas tres ng madaling araw hanggang alas syete dahil ang kanilang mga mamimili eh yung mga may ari ng mga canteen kung saan ang ipinamamalit nilang sahog sa mga ulam na kanilang tinitinda ay mga frozen goods.
Sa ngayon, ang mga frozen goods ay naglalaro sa presyong 45php hanggang 200 php, mula sa hotdog hanggang sa salami, tocino, longganisa, at marami pang iba. |ifmnews
Facebook Comments