Nanawagan si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na bigyan din ng karagdagang benepisyo ang mga contact tracers sa bansa.
Ayon kay Marcos, isa ang mga contact tracer sa mga malapit sa panganib dahil sa pakikipag-usap sa mga close contact ng mga pasyenteng nagpositibo sa virus.
Iminungkahi rin ni Marcos na madaliin ang pagkakaroon ng universal quick response o QR code para mapadali ang contact tracing.
Sa pamamagitan ng universal QR code ay mapapadali ang pagsagawa ng contact tracing lalo na sa panahong tumataas ang mga kaso dahil sa iba’t ibang variants.
Facebook Comments