
Ipinasa-subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga contractor na hindi nakadalo ngayong araw para sa pagdinig tungkol sa mga kwestyunable at palpak na flood control projects.
Sa pagsisimula ng pagdinig ng komite, pito sa 15 contractors ang dumalo na mismong may-ari ang humarap o kaya naman ay mayroong kinatawan mula sa kumpanya o abogado ang ipinadala.
Kabilang sa mga ipinapa-subpoena ay:
• Ang mga president o owner ng Alpha and Omega Gen. Contractor 8 Development Corporation;
• St. Timothy Construction Corporation;
• Topnotch Catalyst Builders Inc.;
• Sunwest, Inc.;
• Hl-Tone Construction & Development Corp.;
• AMO, Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corp.;
• Wawao Builders; at
• L.R. Tiqui Builders, Inc.
Agad namang inaprubahan ng komite ang subpoena at inaasahang ang mga nabanggit ay personal nang haharap sa susunod na imbestigasyon.
Personal namang dumalo sa pagdinig ang ilan sa mga presidente/owner ng mga kompanya kabilang ang Legacy Construction Corporation, QM Builders, EGB Construction Corporation, Triple 8 Construction & Supply, Inc., Road Edge Trading & Development Services, habang abogado naman ang ipinadala ng Centerways Construction and Development Inc., at MG Samidan Construction.
Matatandaang isinapubliko ni Pangulong Bongbong Marcos ang 15 contractors na nakakopo ng 20% ng kabuuang budget ng gobyerno para sa flood control.









