200 mga casual at contractual empleyado ng Senado ang umapela na sa liderato ng Senado na sila ay ma-regular sa trabaho.
Ang mga ito ay kasapi ng Samahan at Ugnayan ng mga Casual at Contractual na nagseserbisyo sa Senado o SUCCESS.
Ayon sa grupo, 107 sa kanila ay nasa serbisyo na ng lima hanggang 30 taon.
Nababahala rin ang SUCESSS sa posibleng institutionalization ng job order at contract of service sa gobyerno dahil sa Joint Memorandum Circular No. 1 ng Civil Service Commission, Department of Budget and Management, at Commission on Audit.
Facebook Comments