Mga costumer ng Maynilad, hindi muna pinapayagang magpunta sa kanilang business area bilang pag iwas sa COVID-19

Hindi na rin muna inoobliga ng water concessionaire na Maynilad Water Services ang mga costumer nito na magpunta sa kanilang business area para sa anumang transaksyon.

Ang hakbang ng Maynilad ay bahagi ng pag iwas sa pagkalat ng Coronavirus o COVID-19.

Sa kanilang inilabas na kalatas, hinihikayat nito ang mga costumer na ipaabot muna ang kanilang mga concern, report o inquiry sa pamamagitan muna ng pagtawag sa hotline 1626, o di kaya ay sa Facebook page, Twitter account o i-text sa 09988641446.


Maaari ding gamitin ng mga costumer ang E-mail address ng Maynilad o mismong pag-text sa nakatalagang zone specialist sa kani-kanilang lugar.

Sabi pa ng Maynilad, lalong hindi nila papapasukin sa kanilang opisina ang mga costumer na may karamdaman.

Kaugnay nito humihingi ng panguunawa ang water concessionaire sa kanilang mga costumer.

Facebook Comments