Tiniyak ngayon ng Manila Electric Company (Meralco) na susunod sila sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang “no disconnection policy” para sa mga costumer nilang kumo-konsumo ng 100 kilowatts per hour na kuryente pababa.
Sa interview ng RMN Manila kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, batay sa kanilang pagtataya, nasa 40 percent ng kanilang mga costumers ang sakop ng “no disconnection policy”.
Pero nilinaw ni Zaldarriaga, na para sa mga kumo-konsumo ng 101 kilowatts per hour na kuryente pataas ay magsisimula na silang magbigay ng disconnection letter.
Samantala, nagsimula naman nang mangolekta ng bayad at mamutol ng suplay ng tubig ang Manila Water sa kanilang mga consumers.
Matatandaang simula nang isailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine loob ng tatlong buwan mula Marso 15 hanggang Mayo 15, 2020 ay pansamantalang itinigil ng Manila Water ang pagbabasa mg metro at pagpapadala ng water bills.
Ibinalik na lamang ang actual meter reading noong Hunyo 20, 2020 kung saan muling sinimulan ang pagpapadala ng mga bills sa mga consumers.