MGA COTTAGE SA PUGARO, DAGUPAN CITY, SINIRA NG MALALAKAS NA ALON

Sirang mga cottage ang naabutan ng mga residente sa Pugaro, Dagupan City matapos itong lamunin ng malakas na alon dulot ng nagdaang bagyo.

 

Sa facebook post na ibinahagi ng isang residente sa barangay, kita ang pinsalang idinulot ng malalaking alon sa mga cottages na pagmamay ari din ng mga residente roon.

 

Nilipad ang mga bubong at inanod ng tubig ang ilang kahoy.

 

May ilan na sinusubukan pang kumpunihin ang mga natirang bahagi ng cottage sa pag-asang maisasaayos pa.

 

Isa ang cottage sa pinagkukunan ng kita ng mga residente sa naturang bahagi dahil madalas ang pagkakaroon ng mga bisita upang maligo sa dagat.

 

Samantala, nalubog din sa tubig baha ang barangay dulot ng sama ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments