Mahaharap sa multang aabot sa P20,000 hanggang P50,000 o pagkakakulong ng 1 buwan hanggang 6 na buwan o pareho ang sinumang COVID-19 patient na hindi makikipag tulungan sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles alinsunod sa RA 11332 O Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang sinumang COVID-19 positive ay kinakailangang makipag ugnayan sa DOH at magbahagi ng kanilang accurate personal information para sa contact tracing.
Sinabi pa ni Nograles na hindi maaaring tumanggi at obligasyon ng isang COVID patient na ibahagi sa DOH ang kanilang personal na impormasyon dahil ito ay maituturing na public health concern.
Magkagayunman dapat paring isaalang alang dito ang RA 10173 Data privacy Act of 2012.
Kasunod nito pinag uusapan ngayon sa pulong ng IATF kung ano ang magiging ‘extent’ ng patient information disclosure at saka gagawa ng guidelines hinggil dito ang DOH.