Nabawasan na ang bilang ng mga na-o-ospital dahil sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Department of Health (DOH) Maria Rosario Vergeire, patuloy na bumababa ang hospital at intensive care units (ICU) utilization rate sa NCR na maituturing ng nasa “low risk.”
Aniya, malaking factor nito ang nag-i-improve na vaccination coverage sa bansa at napapanatili ang detection to isolation nang 4 na araw.
Sa kabila nito, nagpaalala si Vergeire sa publiko na hindi dapat magpakakampante dahil nandyan pa rin ang banta ng COVID-19.
Facebook Comments