Dapat pag-aralan ng pamahalaan ang mga ipinatutupad na COVID-19 restrictions ng pamahalaan kung pananatilihin o babaguhin ito.
Kasunod na rin ito ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na hindi na global health emergency ang COVID-19.
Sinabi ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana, hindi hudyat ng pagtatapos ng pandemya ang naging anunsyo ng WHO.
Giit ni Salvana, nariyan pa rin ang COVID-19 pero hindi na kasing delikado tulad noong wala pang bakuna para dito.
Kaya ang dapat gawin ng pamahalaan aniya ay mag-adjust ng ilang panuntunan tulad ng pagtatanggal ng isolation, pag-require ng vaccination certificate at iba pa.
Facebook Comments