Mga crate na hinihinalang pinaglagyan ng shabu, wala ng mga laman nang buksan ng NBI

Manila, Philippines – Binuksan na ng Phillippine Druge Enforcement Administration at NBI ang tatlong crate ng cylinder na galing China at inabandona sa isang townhouse sa Sampaloc, Manila.

Una nang nasabat ng MPD at NBI, ang mga nabanggit na kontrabando na katulad ng nadiskbure sa warehouse Valenzuela City na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 billiion pesos.

Ayon sa source sa NBI na tumangging magpakilala, nasorpresa ang mga nagbukas ng mga crate dahil bumulaga sa kanila ang wala nang laman na mga crate ng cylinder.


Maliban sa mga crate ng cylinder, may mga balikbayan box din na kasama na pawang wala nang laman.

Ayon kay Barangay Chairman Nicanor Padios ng Barangay 501, Zone 49, nadiskubre ang nabanggit na shipment noong May 25 sa townhouse sa kanto ng Maceda at Simoun Streets at inupahan ng dalawang Taiwanese national.

Facebook Comments