Inilatag na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang criteria sa pag-aalis ng mga benepisyaryo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Partikular dito ang hindi pagsunod sa apat na kondisyong itinakda ng Conditional Cash Transfer program (CCT).
1. Dapat na sumailalim sa pre- at post-natal care ang mga babaeng nagdadalang-tao, at may isang propesyonal na mag-aasikaso sa kanila sa oras ng panganganak.
2. Kailangang dumalo ng mga magulang o guardian sa family development sessions, na ginagawa isang beses sa isang buwan.
3. Dapat na makatanggap ng regular health check-ups at bakuna ang mga sanggol at mga batang na nasa hanggang limang taong gulang.
4. Dapat na makatanggap ng deworming pills o gamot pangpurga ang mga kabataan nasa edad na 6 hanggang 14 habang ang mga kabataang nasa edad 3 hanggang 18 ay dapat naka-enroll sa paaralan at mapanatili sa 85% ang attendance kada buwan.
Hindi na rin kwalipikado ang isang benepisyaryo kung nakamit na ng pamilya nito ang financial independence.
Ayon sa DSWD, kung hindi masusunod ang anumang kondisyon ay nangangahulugang dapat nang alisin ang benepisyaryo