Mga customer ng Maynilad sa NCR, Cavite, patuloy na makararanas ng daily water interruptions hanggang April 16

Patuloy na makararanas ng daily water service interruptions ang mga customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Pasay, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Bacoor at Imus sa Cavite hanggang sa April 16, 2023.

Bunsod ito ng nagpapatuloy na maintenance sa Putatan Water Treatment Plants.

Nililinis ng Maynilad ang filter ng kanilang planta dahil sa malabong tubig.


Tiniyak naman ng water concessionaire na may nag-iikot silang mobile water tankers para magsuplay ng tubig sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments