Manila, Philippines – Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Customs Brokers Port Truckers Alliance na pakialaman na ang sitwasyon sa Bureau of Customs (BOC) dahil hanggang ngayon ay hindi kumikilos ang Department of Finance (DOF) at ang Bureau of Customs (BOC) upang malutas ang suliranin sa port congestion.
Ayon kay Abraham Rebao, ang Vice President ng Truckers Bureau ng Aduana, dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga empty containers na hindi naibabalik ng mga shipping lines, tataas ang lahat ng bilihin na malala na ngayon lalo pa at hindi mailabas ang mga kargamento, nag-alala na sila na lumala pa ang inflation dahil ang mga pangunahing produkto ay pawang galing sa mga pantalan kung saan hindi na gumagalaw ang mga produkto.
Paliwanag ni Rebao nagpapatagal din ito sa trade facilitation na umaabot ng limang araw na nagreresulta sa pagtataas ang storage fee at iba pang charges na kanilang binabalikat.
Nangangamba sila na posibleng babagsak ang ekonomiya ng bansa kung hindi kaagad maresolba ang naturang sigalot.