MGA CVOs NG IKALAWA AT IKALIMANG DISTRITO NG PANGASINAN TUMANGGAP NG AMELIORATION

Nakatanggap ang mga Civilian Volunteer Organizations o CVO’s ng 2nd at 5th district ng Pangasinan ng amelioration mula sa pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan.

Sa unang araw ng amelioration distribution ay tumanggap ng tig P1,000 amelioration ang civilian volunteers mula Alcala, Bautista, Urdaneta City, Villasis, Binalonan, Laoac, Pozorrubio, at Sison.

Habang sa ikalawang araw ng distribusyon ay nakatanggap ng kaparehong halaga ang civilian volunteers mula sa Bugallon, Aguilar, Labrador, Binmaley, Lingayen, Mangatarem, Urbiztondo, at Basista.


Ang pamamahagi ng amelioration sa mga CVOs ay isang programa ng pamahalaang panlalawigan ng pangasinan bilang pagkilala sa pagod at sakripisyo ng mga ito sa pagpapatupad ng peace and order sa barangay.

Samantala, aabot sa 6,885 ang bilang ng mga CVOs na nakatanggap ng amelioration sa dalawang distrito ng Pangasinan. | ifmnews

Facebook Comments