Mga cyclist na hindi nagsusuot ng face shield, hindi dapat hulihin ayon sa DOH

Naglabas ng paglilinaw ang Department of Health (DOH) sa harap ng pagdami ng mga siklista at active transport na naaaresto dahil sa hindi pagsusuot face shields.

Ayon sa DOH, hindi obligadong magsuot ng face shield ang active transport users dahil posibleng magdulot ito ng aksidente kapag lumabo ang face shield at hindi nila makita ang kanilang dinadaanan.

Tinukoy din ng DOH ang kanilang Department Memorandum No. 2020-0534, na nag-e-exempt sa mga nagmamaneho o mga nasa strenuous activities na magsuot ng face shield.


Maging ang Department of Trade and Industry (DTI) anila ay naglabas din ng katulad ng panuntunan.

Facebook Comments