Nagpulong ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Mapandan kasama ang iba’t ibang sektor ng ahensya sa bayan para sa planong pagsasaayos ng mga daanan at ruta sa bayan.
Sa pulong na ito, tinalakay ng mga kawani ng Mapandan Planning and Development Council kasama ang MAPTE at MDRRMO ang mga plano ng LGU ukol sa pagsasaayos sa mga daanan at ruta o ang Local public transport route plan na papuntang mga bayan ng Manaoag, Urdaneta City, at Sta. Barbara dahil nagiging alternatibong daanan ang bayan papunta sa nabanggit na bayan.
Layunin ng pagpaplanong ito ng LGU ay upang magkaroon ng paggalaw sa ekonomiya dahil naniniwala ang kasalukuyang administrayon na susi ito sa paglago ng kanilang ekonomiya kung naipatupad na ang mga planong kanilang napag-usapan.
Samantala, sang-ayon naman ang mamamayan sa bayan sa planong ito ng LGU dahil para rin naman ito sa ikabubuti ng kanilang bayan. *|ifmnews*
Facebook Comments