Mga dabawenyo, suportado si Archbishop Valles bilang bagong CBCP President

Davao, Philippines – Suportado ng mga Dabawenyo ang paghirang kay Davao-Archbishop Romulo Valles bilang bagong presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sinabi ng school chaplain ng Holy Cross of Davao College na si Fr. Rolando Olino Mandreza na malaking karangalan ang pagkakapili kay Archbishop Valles dahil nirerepresenta nito ang Katolikong simbahan ng Davao City.

Ayon kay Mandreza, mabuti rin ang pagkakapili kay Valles dahil malapit na kaibigan sila ni Presidente Rodrigo Duterte.


Subalit, ibig sabihin nito ay mas kaunti na lang ang panahon ni Archbishop Valles sa Davao City dahil mas marami na itong aasikasuhin bilang CBCP President.

Dagdag ni Mandreza, walang dapat ipag-alala ang mga Dabawenyo dahil mananatili pa rin naming Arsobispo ng Davao City si Valles.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments