Mga dadalaw sa Bagbag Cemetery, inaasahang dadagsa bukas o mismong araw ng Undas

Inaasahang dadagsa bukas ang mga dadalaw sa Bagbag Cemetery dito sa Novaliches, Quezon City.

Ito’y kahit pa nakapagtala ng halos 20,000 ang naturang sementeryo ngayong araw.

Ayon kay Teo Biglang-Awa, ang administrator ng Bagbag Cemetery, kakaunti pa kung maituturing ang mga dumalaw sa naturang sementeryo at bukas pa ang peak o pagbuhos ng mga bibisita sa sementeryo ng Bagbag.

Sa datos ng naturang sementeryo noong nakaraang taon mula October 31 hanggang November 2 umabot sa 255,000 ang mga nagtungo sa sementeryo para dumalaw sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Payapa naman ang sitwasyon dito sa Bagbag Cemetery, bagama’t may ilang nakumpiska gaya ng lighter at sigarilyo habang pinaiiwan rin ‘yung mga speaker na naharang sa entrance.

Samantala, asahan naman ang mabigat na daloy ng trapiko sa labas ng sementeryo, dahil sa dami na rin nang mga nagtutungo kung kaya nagpatupad na ang mga awtoridad ng Stop and Go Policy.

Facebook Comments