Mga dadalaw sa mga sementeryo sa San Juan City, kailangan munang magparehistro

Naglabas ng kautusan ang San Juan City Government na kailangan munang magparehistro ang mga dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa mga sementeryo, memorial parks at columbaries sa lungsod.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, naglabas siya ng Executive Order No. 1, Series 2020 na nag-aatas na kinakailangan munang magparehistro ang mga dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay ngayong Undas.

Maaaring makapagparehistro ang mga bibisita sa www.picktime.com/sanjuancityundas2020 o tumawag sa telephone number 7728-9818 o 0915-162-7152.


Ang mga sementeryo, memorial parks at columbaries sa lungsod ay bukas mula October 16 hanggang October 28 at November 5 hanggang November 15.

Isasara naman ito mula October 29 hanggang November 4 bilang pagtalima sa kasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Mayor Zamora, dalawang oras lang kada batch ang maaaring manatili sa sementeryo at 30% lang ang pwede sa loob.

Nagpaalala pa ang alkalde na mahigpit nilang ipinatutupad ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing.

Facebook Comments