Mga Dadalaw sa Sementeryo, Pinaalalahanan

115

Cauayan City, Isabela- Ipinababatid ng lokal ng pamahalaan ng Cauayan sa mga may yumaong mahal sa buhay na dalawin na sa kanilang puntod bago pa maabutan ng mga araw na pagsasara sa mga sementeryo.

Batay sa anunsyo ng pamahalaan ay pansamantalang isasara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo maging ang mga memorial parks simula October 29 hanggang November 4, 2020.


Kaugnay nito, mayroon pa rin ipatutupad na guidelines para sa new normal na pagdalaw sa sementeryo kung saan ang mga may-ari ng sementeryo at mga barangay ay kinakailangang maglagay ng isang (1) entry at isang (1) exit lamang.

Maaaring bumisita sa mga oras mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi at nasa 30 minuto hanggang isang (1) oras lamang ang itatagal ng pagdalaw.

Mahigpit na ipagbabawal ang family gatherings, pag-inom ng alak, at pagtambay sa sementeryo.

Nagpaalala naman ang alkalde na sumunod lamang sa safety and health protocols upang hindi masita at para makaiwas sa COVID-19.




Facebook Comments