Mga daga, caretaker ng mga kuting sa isang cat café sa New York

Panghimagas – Matinding kaaway ng pusa ang daga.

Pero alam niyo ba, sa isang cat café sa New York, U.S.A dalawang daga ang nag-aalaga sa mga newborn kitten!

Katunayan, isang taon nang caretaker ng mga kuting sa Brooklyn cat café ang dalawang daga na sina Remy at Emile pero nito lang nakaraang araw nang mag-viral ang video nito.


Ayon kay Anne Levin, founder ng cat café – “bottle babies” ang tawag sa mga daga na kasamang natutulog ng mga bagong silang na kuting sa isang kulungan.

Bukod sa paglilinis sa mga kuting, nagsisilbi rin nilang kalaro sina Remy at Emile.

Naniniwala kasi sila na posibleng magkaroon ng magandang relasyon ang mga pusa at daga habang sila ay maliliit pa.

Facebook Comments