Mga dagdag na deepwells ng Manila Water, pinaandar na!

Pinaandar na ng Manila Water ang labing-tatlong deep wells nito sa iba’t ibang lugar para makatulong sa pagsusuplay ng tubig sa kanilang mga customer.

Mahigit 15-Milyong litro ng tubig kada araw ang karagdagang suplay na makukuha mula sa mga deep well.

Bago pa man patakbuhin ang mga bagong deep well may nakukuha nang mahigit 9-million liters per day (MLD) na tubig mula sa limang deep well sa Curayao, Rodriguez.


Kaya sa katapusan ng Marso inaaasahang aabot sa 30 MLD ang supply na makukuha sa mga deep well.

Nabatid na nasa 100 hanggang 150 MLD ang kinakailangang karagdagang suplay ng Manila Water para sa mga customer nito kumpara sa alokasyon na 1600 MLD na nakukuha nito mula sa Angat Dam.

Sa ngayon, 97 percent na ng mga costumer ng Manila Water ang may tubig sa loob ng 8 hanggang 12 oras.

Patuloy pa ring isinasagawa ang mga operational adjustment at network solutions gaya ng paglalagay ng mga line boosters at paglalatag ng mga karagdagang linya para maging tuloy-tuloy ang suplay ng tubig sa mga malalayo at matataas na lugar.

Facebook Comments