Mga dagdag rescue teams mula sa AFP, PNP, BFP at PCG, naipadala sa mga binabahang mga lugar sa Cagayan Valley ayon sa NDRRMC

May mga karagdagang rescue teams na ang ipinadala sa mga lugar sa Cagayan Valley na nakakaranas ngayon ng matinding pagbaha.

Ito ang kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal ngayong umaga.

Aniya, nag-deploy na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 289 personnel mula sa 5th Infantry divison, 141 personnel mula sa Philippine Marines na idineploy sa Cagayan at Philippine Air Force Tactical Operation Group 2, 15 Wasar trained personnel na idineploy sa Isabela.


Mula sa naman sa Philippine Coast Guard (PCG) naka-deploy na ngayon sa Tuguegarao City, Cagayan at Tumauini Isabela ang limang teams na binibubuo ng 35 personnel.

Sa Philippine National Police (PNP) naman, naka-deploy na sa 1,087 police officers na naka-station sa mga Local Government Unit (LGU) sa Cagayan, may 24 personnel din nanggaling sa Regional Headquarters ng PNP sa Cagayan at may mahigit 8,000 mula sa reactionary standby support force.

Sa ngayon, ayon kay Timbal, nagpapatuloy ang rescue operations at wala silang update kung ilan na ang mga na-rescue at kasalukuyang sitwasyon sa Cagayan Valley.

Facebook Comments