Mas palalakasin pa sa industriya ang mga Dagupan made products bilang suporta sa mga local Micro, Small, and Medium Enterprise o MSMEs o ang mga lokal na negosyo ng mga Dagupeño.
Alinsunod dito, tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang ilang mga produktong ipinagmamalaki ng lungsod kasama ang microfinance Non-Governmental Organization (NGO) na Center for Agriculture and Rural Development-MRI Development Institute, Inc. (CARD-MRI) –ito ang ahensyang nagbibigay ng mga programang maaaring makatulong sa pagpapalago ng mga negosyo.
Pinapalakas naman lalo ang mga produktong Bangus ng Dagupan City bilang World Renowned na rin ang nasabing produkto at mas tututukan ng LGU Dagupan ang packaging, branding, at product labelling ng mga ito.
Gayundin ang maaaring maibigay na tulong ng lokal na gobyerno na laan para sa capital at business profile ng mga ito at pagkakaroon ng DTI Product Certification upang maging legal at mas makilala pa ang mga ipinopromote na mga Dagupan Products. |ifmnews
Facebook Comments