MGA DAGUPENYONG NANALO SA KARATE EVENT NG 32ND SEA GAMES CAMBODIA, KILALANIN

Muling ibinandera ng mga Dagupeno ang galing at tikas ng mga Filipino sa katatapos na Karate Event ng 32nd SEA Games Cambodia, matapos makapag uwi ng mga medalya at makapag-ambag ng karangalan sa bansa.
Nagpakitang gilas ang mga Karatekas na pawang mga residente ng Lungsod ng Dagupan na sina John Matthew Manantan ay nagwagi ng Silver Medal sa Men’s -67 kg Kumite Karate Category, habang si Arianne Brito naman ay nagkamit din ng Silver Medal sa Women’s +68 kg Kumite Karate Category, at si Enrico Vasquez naman ay nakapag-uwi ng Bronze Medal sa Men’s Individual Kata Karate.
Samantala, matatandaang si Vasquez ay nakapag-uwi na rin ng Bronze Medal sa parehong kategorya noong 30th SEA Games sa Pilipinas, at 31st SEA Games sa Vietnam.

Ang Karate Event ay bahagi ng 32nd SEA games na kasalukuyang ginaganap sa bansang Cambodia, mula May 5 – May 17, 2023. Ang naturang Sport Event ay nilalahukan ng 11 na mga bansa sa South-East Asia, kabilang ang Pilipinas.
Ang karangalang kanilang nakamit ay pagpapatunay na ang galing at lakas ng mga Dagupeno ay patuloy na namamayagpag at nagdadala ng karangalan, hindi lamang sa para kanilang sarili kundi para sa buong bansa.
Kaya, patuloy nating suportahan ang mga idols natin na lubos na nagsusumikap gayon din ang paghubog sa mga susunod na atleta ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments