
Pinag-iingat ang mga Dagupeño laban sa matinding init kasunod ng opisyal na pagtatapos ng Northeast Monsoon o Amihan at pagsisimula ng mas mainit at tuyong panahon.
Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahan ang pagtaas ng temperatura sa mga susunod na linggo, bagamat maaari pa ring makaranas ng panaka-nakang thunderstorms.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa heat stress, lalo na sa matagal na pagkabilad sa araw.
Ilan sa mga paalala ang madalas na pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration, pagsusuot ng preskong damit, at pag-iwas sa matinding sikat ng araw lalo na mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Inirerekomenda rin ang paggamit ng payong o sumbrero kapag lalabas ng bahay, gayundin ang regular na pagpapahinga kung nagtatrabaho sa labas.
Hinikayat din ang mga residente na maging maingat sa paggamit ng tubig upang matiyak ang sapat na suplay para sa personal at pang-araw-araw na pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










