MGA DAGUPEÑONG ATLETA, PINAGTITIBAY ANG KASANAYAN SA HANAY NG PAMPALAKASAN O SPORTS

Nagpapatuloy ang pag-eensayo at kasanayan sa hanay ng pampalakasan o sports ng mga atleta Dagupeñong sa lungsod ng Dagupan.
Ipinahayag naman ang suporta ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ni Mayor Fernandez sa pamamagitan na pamamahagi ng mga sapatos at ilan pang mga sports equipment para sa mga atleta upang mas pag-igihin pa nila at patuloy na gawin ang kanilang makakaya.
Ito rin ay upang mas pagtibayin pa ang kanilang abilidad at paghusayin pa ang mga kasanayan sa larangan ng sports at maging epektibo sa mga darating nilang kompetisyon.
Samantala, isa sa mga pinakamalaking sports competition na pinaghahandaan ng mga atletang Dagupeño ay ang 2023 Region 1 Athletic Association o R1AA na isang sports activity ng Department of Education (DepEd) na naglalayong maipakita ang galing ng mga manlalaro sa larangan ng palakasan ng isang rehiyon.
Facebook Comments