Nagpahayag ng opinyon ang ilan sa mga residente sa Dagupan City kasunod ng umiiral na one way traffic scheme ukol sa hindi abot na mga destinasyong nakatakdang puntahan ng mga ito.
Ayon sa ilang mga nakapanayam ng IFM Dagupan, napipilitan daw ang mga ito na maglakad mula sa junction o ang intersection area dahil hindi maaaring pumasok ang anumang sasakyan sa kahabaang ito.
Ang iba pa sa mga ito, nagdadalawang sakayan kung ang pupuntahan ay sa Arellano St., isa ang sasakyang dadaan sa De Venecia Road at ikalawang sakay papalabas ng Arellano makapunta lamang sa kani-kanilang mga destinasyon.
Ilang mga estudyante rin sa isang unibersidad sa lungsod na apektado ng road rerouting ay hirap umano sa araw araw na lakaran mula sa babaaan nilang bahagi papunta sa mga pinapasukang unibersidad.
Hindi rin daw mainam para sa mga ito ang sasakyang tricycle dahil bukod sa mas mapapalayo ay malaki rin sigurado ang singil sa bayad.
Inaasahan ng mga ito na matapos na umano ang konstruksyon ng mga road projects sa lungsod upang bumalik na raw sa normal ang pamamalakad sa mga kakalsadahan. |ifmnews
Facebook Comments