MGA DAGUPEÑONG MANGINGISDA BALIKNA SA PAGPALAOT PAGKATAPOS NG NARANASANG EPEKTO NG NAGDAANG BAGYO

Nakitaan na ilang Dagupeñong mangingisda ang balik na sa kanilang pagpapalaot partikular sa Bonuan Tondaligan Beach matapos ma tigil ang mga ito sa operasyon bilang paghahanda sa mga maaaring epekto ng nagdaang Bagyong Egay.
Ilan mga beachgoers din ang hindi nagpatinag sa patuloy na nararanasang tag-ulan at naliligo na sa dagat.
Matatandaan bago pa tumama ang Bagyong Egay sa lalawigan ay nagpatupad na ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ng No Swimming Policy upang maiwasan ang kahit anong drowning incident o mga kaugnay pang insidente.

Ayon sa ilang mangingisdang nakapanayam ng iFM Dagupan, bagamat may pag-ulan pa, ang iba ay kinakailangan nang mangisda upang makabawi at isa rin daw ito sa kanilang pinaka pinagkukunan ng panggastos. |ifmnews
Facebook Comments