MGA DAGUPEÑONG NAAPEKTUHAN NG PAGBAHA, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ang mga Dagupeñong lubos na naapektuhan ng pagbaha partikular mula sa mga barangay ng 1, 2, 3, at 4 ng Dagupan City.
Mula ang nasabing financial assistance sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni 4th district Representative Cong. De Venecia katuwang ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa opisina ni Speaker Martin Romualdez upang pondohan ang programang AICS ng ahensyang DSWD.
Ilan pang mga libreng serbisyo ang nagpapatuloy sa mga barangay sa Dagupan City tulad ng libreng serbisyong medikal at pamamahagi ng gamot sa pinangungunahan ng tanggapan ng nasabing kongresista.

Isinusulong din nito ang kapakanan ng mga MSMEs o mga nagmamay-ari ng mga maliliit na negosyo sa pagpromote ng kani-kanilang mga produkto, hindi lamang sa Dagupan gayundin sa mga bayan sa ilalim ng 4th district ng Pangasinan.
Samantala, matatandaan na una nang namahagi ang tanggapan ni Cong. De Venecia sa mga Dagupeno na nakaranas ng matinding pagbaha dulot ng nagdaang kalamidad. |ifmnews
Facebook Comments