Nagsagawa ang City Social Welfare and Development Office ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Dagupan City.
Isinagawa ang distribusyon nitong unang araw ng Disyembre at nakatuon sa mga indigent residents na nangangailangan ng agarang suporta.
Kabilang sa ipinagkaloob na tulong ang medikal at burial assistance, pangkabuhayan, edukasyon, pagkain, at iba pang essential support services.
Layunin ng programa na matiyak na natutugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga residenteng nasa krisis sa tamang oras.
Tiniyak naman ng CSWDO na magpapatuloy ang mga serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mga Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









