MGA DAGUPEÑONG SENIOR CITIZEN, NAHANDUGAN NG LIBRENG MGA SERBISYONG MEDIKAL

Naipagkaloob ang libreng mga serbisyong medikal sa mga Dagupeñong Senior Citizens katuwang ang City Health Office at Office of the Senior Citizens Affairs ng lungsod na may layong mapanatili ang maayos at malusog na pangangatawan ng mga ito.
Saklaw ng libreng serbisyong pangkalusugan ay ang Medical check-up, Laboratory tests
Sa Blood Sugar, Cholesterol, Uric Acid, Hemoglobin, Blood Typing, dagdag pa ang Pneumococcal Vaccine nagkaroon din ng Free Eye Check-up at namahagi pa ang LGU Dagupan ng libreng salamin.
Samantala, nagpapatuloy ang mga programang pangkalusugan tulad ng home visit na lalo para sa mga indigent Dagupenos, ang Ubo Patrol’ at Mobile Dental Clinic na dadalhin naman sa mga barangay sa syudad, pagtutok sa batang Dagupeño na nakararanas ng pagkabansot o stunted sa ingles at tugunan ito sa pamamagitan ng ‘proper nutrition monitoring and supplementation’.

Iba pang mga healthcare programs ang patuloy na inihahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan para mapanatili at maibigay ang nararapat na kalusugan para sa mga Dagupeño. |ifmnews
Facebook Comments