MGA DAGUPEÑOS, INAASAHAN ANG TULOY TULOY NA PROGRAMA DAHIL SA PASADONG 1.3B NA BUDGET

Inaasahan ng mga Dagupeño ang tuloy na tuloy na pag-arangkad ng mga programa at proyekto na laan para sa kanila gayung pasado na ang annual budget ng Dagupan City na nagkakahalaga ng 1.3B pesos.
Matatandaan na isa sa tinututukan ngayon ang mga programa para sa mga kabataan na Scholarship Program, increase ng mga empleyado, nararapat na serbisyo para sa mga kawani ng lokal na gobyerno, at iba pa.
Ikinatuwa rin ito ng mga LGU Employees at nagpahayag ng kanilang saloobin kaugnay dito sa naganap na Flag Raising Ceremony nito lamang araw ng Lunes.

Ani ng mga Dagupeños, lalo ngayong panahon na kinakailangan ng aksyon ng lokal na pamahalaan ng lungsod para sa nasasakupan nito nang mapakinabangan umano ng bawat Dagupeño ang naipasang budget. |ifmnews
Facebook Comments