MGA DAGUPENOS, INABISUHAN SA BINABANTAYANG PAGTAAS NG LEBEL NG TUBIG SA SINUCALAN RIVER

Ilang araw nang nararanasan sa lungsod ng Dagupan ang malawakang pagbaha dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo at Habagat.

 

Hindi lamang sa mga kabahayan sa mga bara-barangay, maging sa mga kakalsadahan, nananatiling malalim ang tubig baha.

 

Sa pagtaas pa ng lebel ng tubig sa Sinucalan River sa Sta. Barbara, muling iginiit ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagiging handa bilang catch basin ang lungsod, o sumasalo ng mga tubig baha na mula sa upstreams.

 

Nakadagdag pa ang ngayong linggong araw araw na hightide.

 

Sa ngayon, muling umabot sa critical level ang Sinucalan at posible pang tumaas ito sakaling tuloy tuloy ang mga pag-uulan sa mga susunod na araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments