Mga dahilan kung bakit kailangang magpabakuna laban sa COVID-19, inisa-isa ng VEP

Inilatag ng Vaccine Experts Panel (VEP) ang mga dahilan kung bakit kailangan ng mga Pilipinong magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito ay sa gitna ng banta ng mas nakakahawang Delta variant.

Ayon kay VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani, may walong dahilan kung bakit dapat magpaturok ang lahat ng COVID-19 vaccines.


1. Nababawasan ng bakuna ang risk of infection o tiyansang magkaroon ng sakit
2. Nailalayo nito ang mga tao sa malalang uri ng sakit, o makakaranas lamang ng mild o moderate symptoms, maiiwasan ang hospitalization at kamatayan
3. Mapapabilang ang mga nagpabakuna sa mga mapoprotektahan at mapapabilis ang pag-abot ng herd immunity
4. Mapoprotektahan din ang mga mahal sa buhay at iba pa
5. Napipigilan din nito ang pagkalat pa ng virus
6. Mahihinto rin ang mutations ng virus
7. Mas marami nang aktibidad ang magagawa
8. Makakatulong din ito para maibalik ang normal na pamumuhay

Pagtitiyak ni Dr. Gloriani na ang lahat ng bakuna sa bansa ay kayang ilayo ang tao sa severe forms ng COVID-19 maging sa variants.

Paalala ni Gloriani sa publiko na sundin pa rin ang minimum public health standards habang pinaiigting ang vaccination efforts.

Facebook Comments