Iginiit ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mas lalala pa ang sitwasyon ng trapiko sa EDSA dahil na rin sa kawalan ng tiwala sa traffic authority.
Matatandaang kinukwestyon ang awtoridad ng MMDA na ipatupad ang ban sa provincial buses sa EDSA.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago – maliit lamang ang kanilang kapangyarihan kaya ang mga ipinapanukala nilang solusyon sa matinding trapiko ay nahaharang.
Giit ni Pialago – ang traffic volume sa Metro Manila ay patuloy na tumataas sa 10,000 sasakyan kada buwan.
Maliban sa kawalan ng tiwala sa tapagpatupad ng batas trapiko, nag-aambag sa matinding trapiko sa EDSA ang vehicular accidents, illegally parked vehicles, presensya ng bus terminals, malls at condominiums sa EDSA, walang disiplinang mga pasahero at driver, at kakulangan sa bilang ng traffic enforcers.
Isa rin sa nakikita ng MMDA na problema ay kakulangan sa road networks at maayos na public transport system.