Mga dahilan ng mabagal na pagbabakuna ng ilang LGU, dapat na alamin muna ng gobyerno

Sa halip na takutin, dapat na alamin muna ng gobyerno ang dahilan kung bakit mabagal ang pagbabakuna sa ilang lugar sa bansa.

Ito ang pahayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na pananagutin niya ang mga local government unit (LGU) na mabibigong pabilisin ang pagbabakuna sa kanilang mga residente.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ng tagapasalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, na bukod sa kulang ang vaccinators, hindi rin nabibigyan ng tamang suporta ang mga LGU sa pagbabakuna.


“Maraming LGU, tanggapin natin, lalo na yung mga nasa labas ng urban centers, mas maliliit na LGU, mas mahihirapan na kumuha ng ganong karaming tutulong sa kanila sa pag-administer nung vaccines,” ani Gutierrez.

“So minsan, hindi naman usapin ng ayaw nilang gawin pero usapin na nahihirapan talaga silang ipatupad. So imbes na unahan agad natin sa takutan, di ba, parang parusa kaagad ang nakabanta, e alamin muna natin bakit ng aba nagkakaproblema, ano yung pagkukulang at sikapin natin bigyan ng suporta,” dagdag niya.

Facebook Comments