Mga dahilan ng pagbaba ng bilang ng Pinoy domestic workers sa Hong Kong, inisa-isa ng Philippine Labor Attache

Inilahad ni Philippine Labor Attache Melchor Dizon ang mga dahilan ng pagbaba ng bilang ng Filipino domestic workers sa Hong Kong.

Aniya, unang-unang naka-apekto rito ang flight ban ng Hong Kong bagama’t ngayon ay pinapayagan nang pumasok doon ang mga fully vaccinated na mula sa Pilipinas.

Pangalawa aniya ay ang travel restrictions o protocol na pinairal ng Pilipinas.


Ikatlo ay ang mataas na gastusin sa quarantine pagdating sa Hong Kong.

Ayon pa kay Dizon, nakaapekto rin sa pagbaba ng bilang ng Pinoy domestic workers sa Hong Kong ang paghihigpit sa pagproseso ng working visa dahil sa hinala ng Hong Kong na magamit ito sa job-hopping.

Facebook Comments