Tinukoy ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbaba sa 3.7 percent ng inflation rate nitong Hunyo.
Ito ay mula sa 3.9 percent na inflation rate noong Mayo.
Ayon sa BSP, ang retail electricity rates ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng inflation rate sa Hunyo.
Ito ay lalo na’t ipinag-utos ng pamahalaan na gawing utay-utay ang pagsingil sa publiko ng generation costs.
Bukod dito, bumagal din ang transport inflation sa buwan ng Hunyo.
Sa unang forecast ng BSP, tinaya ang June inflation rate sa pagitan ng 3.4 hanggang 4.2 percent.
Facebook Comments