Mga dahilan sa pagsuspinde ng Kuwait sa pag-isyu ng bagong visa, hindi malinaw sa gobyerno

Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang mga dahilan ng gobyerno ng Pilipinas sa pagsuspinde ng pag-iisyu ng bagong visa para sa mga skilled professional.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Migrant Workers Affairs Usec. Eduardo de Vega na ngayong araw ay may biyahe patungong Kuwait ang ilang opisyal ng DFA at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para linawin sa Kuwait government ang kanilang mga dahilan.

Pero para kay De Vega na isa sa nakikita nyang dahilan ng Kuwait ay ang pagkakaroon ng shelters para sa mga runaway household worker o ang mga katulong na inaabuso ng kanilang amo.


Para daw sa Kuwait government ang pagkakaroon ng ganitong shelters ay tila hinihikayat ng Philippine government ang household workers na tumakas sa kanilang amo.

Ngunit ayon kay De Vega, nakabatay sa batas ang pagtatayo ng shelters sa Kuwait para sa proteksyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa ngayon ayon kay De Vega, mayroong 466 na mga Pinoy na tumakas sa kanilang amo ang nanatili sa shelters sa Kuwait.

Nanindigan ang opisyal na hindi aalisin ang mga shelters na ito dahil ito ay kailangan ng mga naabusong Pilipino sa Kuwait lalo’t ayon kay De Vega ayaw na nilang maulit ang nangyaring pagpatay kay Julebee Ranara.

Sa ngayon, suspended pa rin ang pagpapadala ng household workers sa Kuwait matapos ang pagpatay kay Julebee Ranara at hindi matukoy ng opisyal kung kelan muli magpapadala ng household workers.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni De Vega na hindi apektado sa suspension sa pagi isyu ng visa ang mga may existing visa na ngayon ay nagta trabaho bilang mga skilled professional sa Kuwait.

Facebook Comments