Mga daluyan ng tubig sa Marikina City, pinalilinis para maibsan ang pagbabaha at mapuksa ang dengue

Naniniwala ang Marikina City government na napapanahon ito lalo at may inaasahan tayong sama ng panahon kung saan ay tuloy-tuloy ang mga kawani ng Marikina Local Government Unit (LGU) sa pagmementina at pagsasaayos ng mga daluyan ng tubig sa kanilang lugar.

Ito’y kasunod ng utos ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na panatilihing ligtas at panatag ang mga taga-Marikina sa banta pagbaha at mga sakit tulad ng dengue at leptospirosis.

Paliwanag ni Teodoro, regular na gagawin ang declogging operations upang kundi man maibsan ay tuluyang mawala pagbabaha sa lungsod.


Dagdag pa ng alkalde, sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na daloy ng tubig ay naiiwasan umano itong pamugaran ng lamok na maaaring maging sanhi ng degue.

Habang ang malinis na kanal naman aniya ay nagtataboy sa mga daga na nagiging sanhi ng leptospirosis.

Paliwanag ni Teodoro sa drainage declogging, gumagamit ang LGU ng angkop na proseso at kagamitan tulad ng vacuum truck at manual rodding upang epektibong matanggal ang mga bara sa tubig.

Gagawin ito hindi lang sa mga barangay sa mababang lugar kundi sa lahat ng barangay sa lungsod ng Marikina.

Facebook Comments