
Nilinis ang mga daluyan ng tubig sa Alaminos City bilang bahagi ng mga hakbang sa pag-iwas sa pagbaha, kasunod ng isinagawang River Clean-Up Drive sa bahagi ng Fernandez Bridge Sabaro Street sa Brgy. Poblacion.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng adbokasiya ng barangay sa pangangalaga ng kalikasan at kaligtasan ng komunidad, na layong alisin ang mga basurang humahadlang sa maayos na daloy ng tubig.
Pinangunahan ng pamunuan ng barangay ang gawain, katuwang ang mga kawani at mga boluntaryo mula sa komunidad, na sama-samang naglinis ng ilog at paligid nito.
Ayon sa barangay, mahalaga ang ganitong mga gawain upang maprotektahan ang mga anyong-tubig at mapanatili ang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran, kasabay ng panawagan sa publiko na patuloy na makibahagi sa mga programang pangkalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








