Patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan sa Hilagang Luzon kaya’t ilang pangunahing dam sa Rehiyon 1, kabilang ang Ambuklao, at Binga ay nagbukas ng spill gates o mahigpit na binabantayan upang maiwasan ang pagbaha.
Ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) Region 1, nagsimula na ang preemptive evacuation sa mga mababang lugar na posibleng bahain.
Nagpakawala ng 256.54 cubic meters per second ng tubig ang Ambuklao Dam mula sa tatlong bukas na gate, habang 300.82 cubic meters per second naman ang inilabas ng Binga Dam mula sa apat na floodgates.
Samantala, nasa 260.61 meters pa ang lebel ng tubig sa San Roque Dam, mas mababa sa normal na 280 meters, ngunit inaasahang tataas pa dahil sa tuloy-tuloy na ulan.
Nagpaalala ang mga opisyal na manatili sa mga evacuation center at sumunod sa abiso ng awtoridad.
Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang matinding pag-ulan, posibleng flash flood, landslide, at storm surge sa mga baybaying barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









